Wednesday, February 19, 2014

"I wish my phone would vibrate right now and your name comes up on the screen."

"I wish my phone would vibrate right now and your name comes up on the screen."

Pagbukas ko ng twitter. Yan yung linya na bumungad sa akin. Natatawa ako nung una kasi may isang tao ako iniisip habang nagscroll down ako.

Nung una, wala naman talagang ibang meaning e. Nung una, parang wala lang sayo ang lahat, nung una, kampante ka kasi kaibigan mo siya. Pero habang tumatagal, yung tipong palagi mo siya nakakatext, nakakachat o nakakausap. Biglang nagiiba ang timpla ng paligid. Yung tipong nasanay ka na. At ngayon, mukhang napakahirap na ng sitwasyon. Parehas niyo nararamdaman ang mga bagay na hindi dapat, at onti-onti nang umiiwas hanggang sa mawalan na ng communication,  mapapasabi ka nalang "I wish my phone would vibrate right now and your name comes up on the screen". Kahit sobrang labo na mangyari, hoping ka parin na mangyari yun. Pero ganon pa man, kahit tuluyan na siya mawala masaya parin ako at nakilala ko siya. Marami akong bagay na natutunan sa kanya. At napasaya niya ako kahit sa maikling panahon lang. Hinding hindi ko kakalimutan yung mga panahon na nakasama ko siya at nakilala.

No comments:

Post a Comment