Saturday, February 15, 2014

My Special Friend

Masaya ako at may nakilala akong kaibigan na katulad niya. Blogger siya at sobrang nakakatuwa at nakakainspire lang din ginagawa niya lalo na yung mga blog niya. Natuwa ako sa sinabi niya sa akin, bakit hindi ko ipakita sa ibang tao o ishare yung mga thoughts ko? Walang makikinabang kung sa drafts lang napupunta lahat ng mga nararamdaman ko. Kaya ngayon, naging motivated ako ilahad at ishare sa iba yung mga gusto ko ishare. Maraming Salamat sa kanya kasi sobrang minotivate niya ako. Masaya ako at naging kaibigan ko siya! :)

Sayang hindi inaakala :)

Minsan sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala, may mga tao tayong nakakasama, may mga tao tayong napagsasabihan ng mga hinanakit natin at may mga tao tayong nasasaktan at nakakasakit sa atin. Hindi naman "unfair" talaga ang buhay. Iniisip mo lang yan kasi siguro dahil nasaktan ka, o siguro dahil hindi mo lang talaga napapansin ang kahalagahan ng mga taong nasa paligid mo. Minsan hindi mo alam na napapasaya ka na niya pala pero ikaw wala lang sayo. Minsan naman hindi mo alam na napapasaya mo siya pero wala ka lang sa kanya. Ang gulo noh?! Pero minsan matuto tayong pahalagahan yung mga taong nasa paligid natin kahit siya pa yung naging dahilan kung bakit ka naging malungkot o hindi naman kung bakit ka naging masaya. Masaya ang buhay! Depende yan kung paano mo mailalarawan yung saya na nararamdaman mo, yung saya na kasama mo siya. :)


"Happiness is always a choice."

Happiness v.s Joy

Alam ko lahat tayo nakakaramdam ng saya. Pero may sayang masakit, may sayang nakakaiyak, may sayang basta ramdam mo na masaya ka lang. Weird noh! Oo, ganon talaga ang nararamdaman natin. Kasi minsan depende yun sa sitwasyon. Depende sa mga taong nakakasama natin. Depende kung paano natin hinahawakan yung mga bagay na nagpapasaya sa atin. Pero alam niyo ba na magkaiba ang Happiness sa Joy? Minsan kasi naipagiisa na natin yung kahulugan. Ang Happiness kasi yun yung Masaya ka ngayon, pero pag sa susunod na araw wala na. Ramdam mo na ulit yung lungkot at tila bang may hinahanap ka at iyon ay tinatawag na "Temporary Feelings". Pero ang Joy, yun yung masaya ka ngayon. At kapag inaalala mo at binabalikan mo yung mga pangyayari na naging masaya ka. Ramdam na ramdam mo yung saya na talaga bang gumuguhit pa sa puso mo na kahit sobrang tagal nang lumipas. Ayon naman ang "Permanent Feelings" na nakabaon sa puso mo  <3

Kaya ikaw, makinig ka sa puso mo. Pakinggan mo yung bawat pintig nito. Ingatan mo ang puso :)



"You will never experience Joy if your heart is broken."