Alam ko lahat tayo nakakaramdam ng saya. Pero may sayang masakit, may sayang nakakaiyak, may sayang basta ramdam mo na masaya ka lang. Weird noh! Oo, ganon talaga ang nararamdaman natin. Kasi minsan depende yun sa sitwasyon. Depende sa mga taong nakakasama natin. Depende kung paano natin hinahawakan yung mga bagay na nagpapasaya sa atin. Pero alam niyo ba na magkaiba ang Happiness sa Joy? Minsan kasi naipagiisa na natin yung kahulugan. Ang Happiness kasi yun yung Masaya ka ngayon, pero pag sa susunod na araw wala na. Ramdam mo na ulit yung lungkot at tila bang may hinahanap ka at iyon ay tinatawag na "Temporary Feelings". Pero ang Joy, yun yung masaya ka ngayon. At kapag inaalala mo at binabalikan mo yung mga pangyayari na naging masaya ka. Ramdam na ramdam mo yung saya na talaga bang gumuguhit pa sa puso mo na kahit sobrang tagal nang lumipas. Ayon naman ang "Permanent Feelings" na nakabaon sa puso mo <3
Kaya ikaw, makinig ka sa puso mo. Pakinggan mo yung bawat pintig nito. Ingatan mo ang puso :)
"You will never experience Joy if your heart is broken."
No comments:
Post a Comment