Saturday, February 15, 2014

Sayang hindi inaakala :)

Minsan sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala, may mga tao tayong nakakasama, may mga tao tayong napagsasabihan ng mga hinanakit natin at may mga tao tayong nasasaktan at nakakasakit sa atin. Hindi naman "unfair" talaga ang buhay. Iniisip mo lang yan kasi siguro dahil nasaktan ka, o siguro dahil hindi mo lang talaga napapansin ang kahalagahan ng mga taong nasa paligid mo. Minsan hindi mo alam na napapasaya ka na niya pala pero ikaw wala lang sayo. Minsan naman hindi mo alam na napapasaya mo siya pero wala ka lang sa kanya. Ang gulo noh?! Pero minsan matuto tayong pahalagahan yung mga taong nasa paligid natin kahit siya pa yung naging dahilan kung bakit ka naging malungkot o hindi naman kung bakit ka naging masaya. Masaya ang buhay! Depende yan kung paano mo mailalarawan yung saya na nararamdaman mo, yung saya na kasama mo siya. :)


"Happiness is always a choice."

No comments:

Post a Comment